Mahirap lang talaga siguro maniwala sa mga nakikita, mas lalong mahirap ding makita ang mga dapat nating paniwalaan

Hindi naman siguro ako ganon kasintonado kumanta. Alam ko naman sa sarili ko na kahit papano malapit na ako sa tono. Minsan nga binibirit ko pa para mas lalo kong maabot ang tamang nota. Medyo pumipiyok nga lang kung minsan pero bumabawi din naman ulit sa pagkanta. 

Pagdating naman sa tyempo, siguro minsan nasa maling beat ulit ako. Pero hindi naman lagi. Hindi naman sa career ng pagkanta ko sa buhay ay puro nalang huli o kaya masyadong nauuna sa tyempo. Hindi lang talaga siguro maiwasang magkamali. Kung ung mga batikang singer nga, paminsa’y-minsay nagkakamali din. Ako pa kayang amateur lang.

Siguro nga tama ang mga judges na napapanuod ko sa mga singing contest. Pwede kasing maganda ang boses mo pero mali ang pagpili ng kanta. O kaya naman may binabagayan ang boses mo sa pagpili ng kanta. At ang pinaka mahapdi sa tenga ay yung sinasabi nilang panget ang boses mo, pati pagpili ng kanta. In short, wag ka ng kumanta. 

Siguro nga ganon. Kaya nakapag decide na ko. Magiging dancer na ko. O kaya chef. Ang gwapo kasi ni Chef. Logro.

Yum! Yum! Yum! Yumm!

Minsan inisip ko din maging bampira. Para kasing ang astig nila base sa mga napapanuod kong vampire movies. Mabilis kumilos, parang hindi nada-dry ang mga balat kasi sa gabi lang sila lumalabas, may pangil na bumabaon, may kakaibang hatak sa mga chiks at higit sa lahat, parang mas gwa-gwapo ako tignan kapag bampira na ko. Kung may gwapo nga ko. Pero syempre meron.

Lakasan lang talaga ng guts ‘to tol.

Tsaka isa pa, gusto ko din malaman kung bakit kaya sa leeg lang sila kumakagat. Bakit hindi pwede sa kamay, eh mas madaling kagatin ‘yun kumpara mo naman sa leeg. 

Kaya nga bakit kaya sa leeg?

Nang minsan.

Nagising nalang ako sa busina ng isang bus. Hindi ko namalayan na nasa Guadalupe na pala ako. Medyo puyat kasi kagabi dahil nagyayaang maginom ang buong tropa. Hindi ako nakatanggi kasi paniguradong sasabihan nanaman nila ako ng KJ (Kill Joy).

Kinapa ko ang panyong nasa bulsa para punasan ang mukha ko. Nakakahiya naman kasi kung may tumulong laway pala ako o kaya namumulaklak na muta. Pagkapunas, sinubi ko na ulit ang panyo. 

Tumingin ako sa paligid. Ang daming tao. Tulad ng isang normal na araw, maraming pasahero ang nagaantay ng bus na magdadala sa kanya kanyang destinasyon. May napansin akong isang babaeng sumakay sa bus. Umupo siya sa gilid ko. Medyo maganda, matangkad at mukhang may interview. Kuntodo kasi ang pormal na bihis. Well, dahil bagong gising ako, nagpacute ako. Baka sakali kasing magsalubong ang mata naman at makita niyang mukha akong gusgusin. Konting ayos ng buhok, punas ulit ng mukha.

Tapos biglang mabibitin ang kwento.

Tinabig ko ang basong puno ng tubig para mabasag. Masyado kasing nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Hindi ako sana’y. Pakiramdam ko para akong nakakulong sa isang kahong may sound proof. Tanging hinga at pintig lang ng puso ko ang nagpapatugtog sa paligid. Nakakalungkot. 

Ito na ang ayoko sa sarili ko. Masyado akong madaling maapektuhan ng paligid. Kapag makulay at maingay ang nasa paligid ko, madali akong maging masaya. Kapag madilim at tahimik, parang ang sarap magmukmok sa kwarto at patugtugin ang kanta ni Aiza Seguerra ng paulit-ulit. Sabay isipin ang malulungkot na sandali na napagdaanan ko. Sabay laslas. Hindi, joke lang.

Sinawa’y ako ng isang babaeng matrona. Bakit ko daw tinabig ang baso. Syempre, nagisip ako ng palusot. Hindi ko kako sadya. Dumulas sa kamay ko. Nagtagpo ang tingin namin. Parang gusto akong kainin ng mata niya. Nakaramdam ako ng kaba. Parang anytime may mga kapwa niya alien na magsisilabas sa likod ko at kukuhain ako ng mga ito para gawing bulalo. 

Sa pagkakataong ‘to, alam kong hindi ako pwedeng magmatigas. Ako ang may kasalanan. Hindi ko pwedeng talikuran ang isang bagay na nasa harap ko na. Kumbaga, pwedeng magpalusot pero hindi pwedeng itanggi. Taena. Ang gulo. Tanggapin ang pagkakamali. Ang nakakatuwa lang, may ibang mga tao talagang huli na sa akto, itatanggi pa ang krimen na ginawa. Parang ang sarap tumawa sa harap nila ng “bwahahahahahaha”.

Tumayo na ko palayo. At bigla kong naisip na hindi pala kumakain ng bulalo ang mga alien.

Math is love. Love is Math.

Panibagong pahiyaan nanaman ‘to. Andito nanaman ako sa eksena kung saan laging nasusubok ang katatagan ko bilang estudyante. Anak ng baklang baka naman kasi talaga e. Bakit ba ako nalang lagi ang nabubunot kapag sa oras ng alanganin. Bakit ba paborito ako ng pagkakataon na pahiyain. Hindi ko alam.

Teka. Pagkakataon nga ba ang nagpapahiya sa akin o ang sarili ko mismo?

“Patrick, please go in front and answer the problem”.

Kamote. Pwede bang tumanggi? Ano kaya ang pwedeng dahilan para iba nalang ang papuntahin ni mam sa harapan at sagutan ang mala-Einstein na problema. Kung 1+1 lang ba naman ang tanong, aba! kahit maghapon kami magsagutan ni mam kaya kong patunayan na 1+1 = 2.

“Ah. Yes mam!”

Ito na. Ni ayaw humakbang ng paa ko. Para akong nagkaroon ng instant semento ang paa ko. Ang hirap ihakbang. Ang hirap umusad. Pero alam kong kahit magmaktol ako ngayon, hinding hindi na magbabago na ako ang nabunot ni Mam. Pwera nalang kung bigla akong magpanggap na sinasaniban ng kung anong ispirito o kaya naman sabihin kong may nakita akong kung anong hindi mapaliwanag na bagay sa harapan kaya ayaw kong magpunta don. Pero malamang sa malamang, kinabukasan maging headline ako sa dyaryo ng mga tsismosa sa buong campus namin: “Isang lalaki, nabaliw. Buong klase, nagtawanan”

Kinuha ko na ang chalk. Nilapat ko na ang dulo nito sa blackboard. Teka. Bakit nga kaya ganon. Bakit blackboard ang tawag nila dito. Kulay green naman ‘to. Bakit hindi greenboard. Bakit yung whiteboard tugma. Kung ito nalang kaya ang sagutin ko at patunayan ko na dapat ang tawag sa blackboard ay greenboard. Pero hindi rin pala pwede. Dahil panigurado pag ginawa ko ‘yun, matinding pagpapaliwanag din ang gagawin ko kay Inay kung bakit ako nagkaroon ng 75 na grade sa Math. Buti kung 75, paano kung 65.

[(a + b) + c = a + (b + c) where a=5, b=8 & c=12]

Shit. Nararamdaman kong nagmamaktol na ang bawat dugo sa utak ko. Kahit pigain ko ang dugo hanggang sa huling patak nito, malabo pa sa plastic labo ang pag-asang magagawa ko ‘to. Baka pwede kong sabihin “I’m sorry mam. Absent ako ng ituro niyo ‘to”, o kaya naman pwede akong magsagot ng kung ano-ano nalang para hindi naman ako magmukhang mangmang sa harap nila.

“Please prove it with solution.”

Tenen! Paano ako gagawa ng solution kung hindi ko nga alam kung paano sagot. Anong solution ang gagawin ko. Pwede kayang solusyon muna tapos text-text nalang ang sagot. Magtatanong muna ako kay pareng google kung sino ang santo para tumalino at baka matulungan pa ko.

Gusto ko ng lumuhod. Kanina pa nakalapat sa “black”board ang chalk ko. Pero tanging nasusulat ko lang ay tuldok. Namumuong tuldok dahil sa pagkakadiin ko sa chalk. Ginalaw ko ng bahagya ang chalk. Nilagay ko sa dulo ng equal sign. Naramdaman ko ang aura ng mga nasa likod ko kung gaano sila ka-excite na pahiyain ko ang sarili ko. Para ba akong nasa gitna ng maraming tao habang kumakanta pero walang nakikinig dahil busy sila kakanuod sa sumasayaw. Shit! Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Daig ko pa nainlab sa isang babaeng ayaw sakin.

Teka. Swerte pala ako sa bunutan. Kung bunutan lang din ang labanan pagdating sa pagibig, malamang super chickboy ko na. Kung bunutan lang din ang labanan para manalo sa mga game show, malamang milyonaryo na ako at binili ko na ang Spartly Island para hindi na pagawayan pa ng Tsino at Pinoy. Pero hindi e. Sa ganitong pagpapahiya lang sa sarili ako swerte sa bunutan.

Kung sa bunutan lang din idadaan para mapanalo ko ang puso ni…..

Malamang. Oo Malamang talaga.

“Patrick, do you need help?”

Shit. Ito nanaman. Panibagong pagsubok nanaman para sa akin. Paano kung tinanggap ko ang alok ni Mam na tulungan ako ng mga kaklase ko, ano nalang ang dating ko sa kanila. Eh kung tanggihan ko naman, baka abutin ako dito ng uwian, nakatayo pa din ako sa harap. Hays. Buhay nga naman. Bakit ba lagi nalang tayong sinusubukan ng pagkakataon..

Pero bahala na. Bahala na talaga. Bahalang bahala na talaga sa pride ko.

………………………

“Hmm. Yes Mam”.

5’4

Hinakbang ko na ang kaliwang paa ko dahil nagbabakasakali akong humakbang na din pati ang kanan. Ilang araw narin akong lito kung uusad ba ako o mananatili sa pila. Natatakot kasi ako na kapag sinubukan kong umusad ay tuluyan ng mawala ako sa linya. Baka hindi na ako makabalik. Baka hindi na “find your height” ang dapat sundin. Baka hindi na ako ang nasa unahan. Baka hindi na ako ang maging priority.

Kung sana lang sa lahat ng pagkakataon, ang maliit ang laging nasa unahan. Malamang sa malamang, lagi ako ang unang makakakuha ng limited edition na libro. Hindi ako mawawalan ng upuan sa bus sa tuwing pauwi ako galing trabaho. Ako ang laging nasa unahan ng van, kasi ayokong ayoko ang nasa likod lalo na sa dulo. Hindi man lang kasi sumasagi sakin ang aircon. Kung sana lang talaga maliit lagi ang nasa unahan..

Tapos biglang babalandra sakin ang mukha ni Dagul. 

So sad.